What will you do when you start living in two different worlds at the same time?

Home » Post Item » WHAT?!

WHAT?!

March 3, 2008

Noong nakaraan na sabado lang nakatanggap si Mama ng txt message tungkol sa nangunguha ng bata para kunin ang kanilang vital organ mula ito sa unknown sender.


 

Sa time naman ng amin ng Retorika na banggit din ng Prof. naming ang tungkol nga sa Green o red Van na nangunguha ng bata. Bilang parte ng amin aralin which is pagsasalaysay, sinalaysay niya sa amin ang kanyang nalalaman. Ayon sa kanya may kapitbahay siya na nawalan ng anak. Ito ‘yong panahon na kumakalat ang balita tungkol nga sa pagkawala ng mga bata tapos makikita mo na lang na patay at wala ng vital organ. Dahil na rin sa labis na pag aalala nagpunta sila sa Lucena para hanapin ang kanilang anak (Taga-Lucban nga pala sila). Matapos ang isang linggo na paghahanap ay nakita na rin nila ang kanilang anak. May kumopkop sa bata na taga Lucena at isinauli ang bata sa magulang
ng malusog at buong buo. Isang malaking katanugan kung paano na punta ‘yong bata sa Lucena. Pero hindi na ito mahalaga sa magulang sapat na sa kanila na naibalik ang anak nila ng buhay. Sabi pa ng Prof. namin na malusog at wala naman anumang palatandaan na may nawala na vital organ sa bata.

Noong araw din iyong ay nakakuwentuhan ko ang amin Landlady tungkol din sa nasabing usapin. Ayon sa kanya ito daw ay totoo. Mismong kapatid niya na taga-Laguna ang nakakita ng isang bangkay ng bata na wala ng vital organ at sa kanyang mga kamay ay may hawak daw itong 10,000 pesos.

Nga pala 25 below daw ang kinukuha ng sindikatong ito… mga bata pa… malusog at malakas pa ang pangangatawan…

Ang lahat ng ito ay pawang mga nasagap ko lamang na impormasyon sa iba’t ibang tao.

Nakakaalarma at sobrang nakakatakot ang ganitong mga balita. Hindi ko alam kung maniniwala ako pero wala naman masama kung mag iingat tayo di ba!?

 

 

POSTED BY A CONCERNED READER 

Posted by palaboy at 10:06 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment