What will you do when you start living in two different worlds at the same time?

Home » Post Item » Bayanihan Po Tayo part 1

Bayanihan Po Tayo part 1

June 23, 2008

June 22, 2008

2:30 am

(habang nilalampaso ng bagyo ang Lucena) 

    Masarap ang tulog ng nakararami, ang iba ay nahilik pa… kaming lahat ay panatag kahit umuulan. ako rin naman ay natutulog, nakaunderwear nga lang ako pagtulog eh kaya masarap kasi malamig lamig. maya maya, may nagsigawan… 

“Anu ba?! ke aga-aga eh!”  sabay tulog ulit…

mga limang minuto ang nakaraan, may nagsigawan ulit…

“P@#$^ I#%!! ang laki ng tubig!!”

Sa pagmumura pa lang nya, nagulat ang lahat at bumangon, at ayun nakita nga namin ang ala The Day After Tomorrow na eksena.

Bumangon ang lahat dahil bukod sa baha na ang kwarto ng aming dormitoryo sa dami ng natulo, at naampiyas na tubig, basa na rin ang iba dahil natuluan sila mismo. ang mga gamit sa labas ng tulugan namin ay tila wala nang pagasa. bigla naming naalala ang sitwasyon ng kashare namin sa building. Ang Hermana Fausta development Center nga pala ay binabaha… Takbo kaming apat sa kabilang gusali at ayun… Tumambad sa amin ang malalim na baha… sa second floor po ito, bukod pa yung first floor. Pinagtulung-tulungan na lang naming ayusin ang mga gamit na nabasa at mababasa pa lang. Inalis ang saksak at iniiwas sa mga natulong kisame… Pesteng yawa oo, kamakailan lamang ay ang kalaat sa kwarto namin dahil inayos daw ang bubong. Sus. 

4:30 na. Tapos na naming gawin ang mga dapat maunang gawin. lahat ok na kaya ipinagpaliban muna namin ang paglilimas at natulog muna. Pagbaliik namin sa higaan, di na maitsurahan ang dorm, yung iba nakaablagbag na ang higaan, yung iba, share na sa higaan. Natulo kasi eh…

 

6:00 am

Gising na para maglinis. Kami na naman ang nauna magising sila tulog pa din. Kainaman talaga ang nangyari, lalu pa nadagdagan ang baha. Ayun tulong tulong na uli sa paglilimas, 5 rooms ng center ang sinalanta ng baha, samantalang isang TV set at isang pusa naman ang naperwisyo sa amin. Mahirap maglimas, pero masaya kami kasi samasama kami. May picturan pa nga eh. hay, ang sakit ng likod ko. makatulog muna at maglalaba pa kasi ako ng uniform ko bukas, goodluck na alang kung matuyo man ito

haaaaaaaaaaaaaaaaaay,   

 

 

proceed to part 2?

 

Posted by palaboy at 12:48 pm | permalink

Previous Comments

ay sensya na po kasi medyo late na tong comment ko.. kasi naman parang dagat sa min.. eh hindi naman po ako marunong lumangoy.. hehe napapatawa ba ako????? basta nagpapasalamat po ako kasi kahit gaano pa kalalim, kataas at kalawak ng tubig eh nanatili pa ring matatag at hindi matitibag ang aming kabahayan hehe.. salamat sa dasal!!!

Posted by zarah at June 28, 2008, 4:25 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment