What will you do when you start living in two different worlds at the same time?

Home » Post Item » Bayanihan Po Tayo part 2

Bayanihan Po Tayo part 2

June 23, 2008

3:00pm

June 22, 2008

Sa wakas, tapos na ang mhabang paglilimas, nakalipas na rin ang mahabang tulog sisimba na ako!

6:00pm

May mga pesteng yawa na nagtetext,

“wla daw misa, mgli2nis lng tau jn”


 

wah?! Bihis na bihis pa man din ako para magserve tapos wala?! Bumalik na lang ako at nagbihis ng pambahay para maglinis. Pagdating ko ng school, What?!! may misa pala, balik uli ako ngdormitory. Take note na nilakad ko lang ang 500m ng 6 na ulit. Ayun nagmisa, pagkatapos ay naglinis na kami… Baha sa pinakamamahal na Basement Rooms ng aming Department (Computer Science Department) kaya naglimas na naman kami. Baha, hangang sakong ang taas pero tulong tulong kami sa paglilimas. Pagkatapos ay lumabas na kami sa mga rooms para huminga ng medyo sariwang hangin. Tumambad na lang sa amin ang napakaraming laglag na mga mangga.

Woow!! Nanimot kami ng mga pwede pang kainin at nginabngab na namin. Kung susumahin,  siguro ay nakakain kami ng tigaanim na mangga… Ang sarap.

Nagring ang bell, kainan na pala. Pinakain kami ni Sr. Salve ng sopas. Grabeh kain lang ng kain…  

Nagpapasalamat ako sa lahat ng biyaya na tinangap ko ngayong araw.  Pero di ko ineexpect na may mas mabigat pa palang bagay ang naghihintay sa amin.


Posted by palaboy at 4:47 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment